Salimisim

Authors

Abstract

"Sa pagnanasang makaligtas, di aakalaing hahantong sa isang mapait na wakas" 

Ako'y tila isang uwak na nakamasid 
Sa pinakadulong silid 
Tila ito'y nababalot ng mga  lihim na di dapat malaman 
Hawak ang iyong kamay, tayo'y maingat na nagmamanman  
Alkemiyang wari'y salamangka na sa iba'y bunga ng kabaliwan 
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, kami'y nabuking 
Nakipagbuno't muntik maduling 
Gamit ang mala-sangganong galaw kagaya ng bida sa mga nobela,  
Liksi't  lakas, ipinakita, isang kapana-panabik na sarsuela! 
Hinahabol na para bang tulisan  
Sa pagkuha ng bagay na makakaligtas ng sanlibutan 
Kami ba kaya'y mapapasalamatan? 
Sa palihim naming kabayanihan? 
O di ba kaya'y mangyaring mapapasakop pa ng mas makapangyarihan? 
Kung ito'y mangyari, nais kong mangatwiran 
Na ang mga bagay na ganito ay para  sa kabutihan 
Gusto ko nang ngumiti habang papalapit sa palabas na lagusan,  
Ngunit hindi ko mawari ang kakaibang nararamdaman 
Taliwas sa iyong ngiti ay isa palang patibong 
Isang pagkakamali ang hindi ko pakikinig sa mga bulong 
Heto't  naguguluhan, humahakbang ng paurong  
Ideyang nais sabihin, sayo't matanong 
Na ikaw ba'y kaibigan o kaaway? 
Ngunit huli ko nang malaman noong ako'y nakahandusay 
Sa kabila ng aking pagtitiwala, 
Nais mo pala'y ako'y mawala 
Habang ako'y tinutusok ng iyong patalim  
Ako'y tahimik na namamaalam, nababalot na ng dilim 
Mundo ko'y tumigil, mabagal na  salimisim

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biography

  • Jamielaine Butawan, Bohol Island State University

    Jamielaine Butawan teaches at the College of Arts and Sciences of Bohol Island State University. Her training in the social sciences complements and enriches her work as a poet.

Published

2025-08-20

Most read articles by the same author(s)